Showing posts with label gov wilhelmino m sy-alvarado. Show all posts
Showing posts with label gov wilhelmino m sy-alvarado. Show all posts

Wednesday, January 29, 2014

Pambansang Pananda, ikinabit sa dating tahanan ni Soc Rodrigo


Ni Minde Nyl Dela Cruz

Ang unveiling ng pambansang pananda sa labas ng lumang tahanan ng dating senador
na si Soc Rodrigo na pinangunahan ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado (kanan).

Itinaon sa ika-100 guning pag-alala sa pagsilang ni dating Senador Francisco "Soc" Rodrigo ang paglalagay ng pambansang pananda sa kanyang bahay sa Bulakan, Bulacan nitong ika-29 ng Enero, 2014.

Ito ay dinaluhan ng kanyang naiwang maybahay na si Remedios Rodrigo at anak na si Atty. Francisco "King" Rodrigo Jr., kasabay ng kanilang pagtanggap sa nasabing pananda.

Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon si Veronica Dado, ikalawang patnugot tagapagpaganap ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (PKPP) at Alex Balagtas ng PKPP-Bulacan at Zambales.

Kasama rin sa mga dumalo si Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado, Bise Gob. Daniel Fernando, Bokal Ayie Ople, Punongbayan ng Bulakan Patrick Meneses, bise niyang si Albert Bituin at Konsehal Piccolo Meneses.

Ang maybahay ng dating senador na si Remedios Rodrigo (kaliwa)
at anak nilang si Atty. King Rodrigo (kanan).

Ipinaabot ni King Rodrigo, na nagsalita para sa kanyang ina, ang pasasalamat sa komisyon sa parangal na ibinigay sa kanyang ama.

"Ang mas makabuluhan pong pagdangal na pwede nating ibigay kay Soc Rodrigo ay ang tularan natin ang simulaing kanyang ipinaglaban para sa Diyos at sa bayan," turan niya.

Ayon kay King, ipinagkaloob ng Diyos sa kanyang ama ang katangiang ibinibigay lamang sa iilang tao: ang magkaroon ng lakas ng loob na gumawa ng tama kahit gaano ito kahirap.

Dagdag niya, kaya rin ng marami sa atin na baguhin ang ating kalagayan ng ating bayan kung tayo ay magsasama-samang mag-alay ng buhay.

Inihalintulad niya ito sa kwento ng isang heneral na nagsindi ng isang palito ng posporo at hinikayat ang kanyang libu-libong kawal na gawin din ito upang bigyan ng sapat na liwanag ang madilim na bulwagan, simbolo na ang pagsasama-sama ng maliit ay magdudulot ng malaking pagbabago.

Binanggit din ng manananggol na isama sa nilalaman ng pananda ang katagang 'makata' at ang pagtatapos ni soc Rodrigo sa pampublikong paaralang elementarya ng Bulakan.

Sa isang panayam, sinabi ni Balagtas na pag-aaralan ito ng komisyon ngunit kung babaguhin man ang nilalaman ng pananda ay hindi muna ngayon dahil kalalagay lamang nito.

Sa kanyang pananalita naman, sinabi ni Sy-Alvarado na nasa dugo ng mga Bulakenyo ang katapangan at kadakilaan.

Ibinigay niyang halimbawa ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar at Mariano Ponce na pawang mga taga-Bulacan at nakapag-ambag ng malaki para sa bayan.

Samantala, nasa pag-aari ng pribadong pamilya ang bahay ng mga Rodrigo matapos itong maibenta.

Isa umanong hakbang upang maibalik ang pagmamay-ari ng bahay sa mga Rodrigo at maisama sa tala ng heritage houses ang paglalagay ng pambansang pananda, ani Balagtas.

Kasabay nito ang pakikipag-ugnayan ng komisyon sa kasalukuyang may-ari ng lumang bahay.

Subalit sa ngayon, sa tarangkahan lamang muna ng bahay maikakabit ang pananda.

Kung sakali umano na hindi mabili ulit ang bahay, ililipat ang pananda sa isa sa mga lupaing nasa pangalan ng mga Rodrigo o sa Bulacan State University-Meneses Campus kung saan ang lupang kinatitirikan nito ay donasyon ng pamilya ng dating senador.

Maari din umanong ilipat ito sa pinaplanong historical park sa harap ng munisipyo ng Bulakan kasama ang isang busto ng senador sa gagawing open museum, ayon pa kay Balagtas.

Dagdag pa niya, asahang gagawin ng komisyon ang lahat upang mapangalagaan ang hitsura ng bahay upang hindi ito masira.

Bukod sa pagiging senador, si Soc Rodrigo ay isa ring manananggol, guro, makata at manunulat. Nakipaglaban siya sa panahon ng Batas Militar at itinaguyod ang wikang Filipino sa kanyang mga panulat. ###

Sunday, January 26, 2014

Strengthening of the Angat Dam on the way


By Minde Nyl Dela Cruz

Bulacan Gov. Wilhelmino M. Sy-Alvarado. FILE PHOTO.

Bulacan Gov. Wilhelmino M. Sy-Alvarado revealed he had talked with high officials of the national government and that the Angat Dam will be rehabilitated soon.

He said this during the 115th Anniversay of the First Republic held last January 23 in Barasoain Church in the City of Malolos.

The governor also announced that the replacement of the rubber dams in Bustos is to be started around the middle of the year.

"The Bulacan Bulk Water right, ipagkakaloob na sa mga taga-lalawigan ng Bulacan," added Sy-Alvarado during his speech before he introduced Chief Justice Ma. Lourdes Sereno who attended the event as the guest of honour.

"For the first time tayo ang nag-aari ng Angat Dam, ng ating tubig, subalit tayo, sa underground nagmumula ang ating inumin," he said.

Apart from the mentioned projects, Sy-Alvarado told the crowd that the Pampanga River Control System, as well as other rivers, is going to be revived and dredged, as mandated by the law.

"Ang ating post-industrialization program kasama ang ating Executive Secretary Jojo Ochoa na kung saan everybody now is looking north of Metro Manila, pinaghahandaan po natin sa ating agenda at dito po sa lalong madaling panahon ang declaration ay pipirmahan ng ating Pangulo (Benigno Aquino III), declaring Malolos," Sy-Alvarado stated (sic).

Bulacan is also going to upgrade its jewelry and pyrotechnics industries, the latter through the help of the Department of Science and Technology (DOST).

The governor promised a strict implementation against illegal importations; more agro-industrial developments in the towns of Norzagaray and Dona Remedios Trinidad; road networks from San Jose Del Monte to the province of Aurora; North Luzon Railways; and coastal highways.

"Ito po ay magkakaroon ng katuparan," Sy-Alvarado said.

The province's patriarch also expressed wishes that the 23rd of January will be made an official holiday. ###